NAWINDANG si Athena nang mabasa niya ang level sa likod ng nakalatang gatas. Nakalagay roon ang edad ng kailangang uminom ng gataas na iyon. “So, nagulat ka rin sa mga pinamili mo, ano?” nakangising sabi ni David. Biglang nag-init ang mukha niya. Hindi siya makatingin nang deretso sa binata. “Umiinom ka ba niyan?” tanong nito. “Hindi. Para sa ‘yo dapat ito,” sagot niya. “Ano? Tumatanda na ba ako sa paningin mo?” protesta nito. In-off na nito ang kalan at hinango ang niluluto. “Akala ko para sa mga athletes. Gatas na pampatibay ng tuhod,” sabi niya. Marahas siya nitong hinarap. “Nang-iinsulto ka ba? Malakas pa ang tuhod ko. Napagsilbihan nga kita magdamag,” pagyayabang nito. Sinulyapan niya ito. “Huwag kang mayabang. Nakaupo ka lang naman madalas.” Inumin mo na lang ito para hindi m