Chapter Twelve

2693 Words

NAGISING si Athena dahil sa magkasunod na katok sa pinto mula sa labas. Hindi siya kaagad nakagalaw dahil nakasampa ang isang binti ni David sa mga hita niya at nakayakap sa kanya ang isang braso nito. Kapwa sila walang saplot. Nang hindi pa rin tumitigil ang kumakatok ay sapilitan na niyang itinulak ang binti ni David at inalis ang kamay nito sa dibdib niya. Gumalaw ito. Niyugyog niya ang balikat nito para magising ito. Umungol lang ito. Bumangon na siya at nagsuot lamang ng puting roba. Lumabas siya at hinarap ang kumakatok. Bumungad sa kanya ang dalawang lalaki na may mga dala-dalang gamit sa construction. Tulalang nakatitig sa kanya ang nasa gawing kaliwa na medyo bata pa. “G-Good morning po. Ito po ba ang unit ni Dr. Del Rosario?” tanong ng lalaking may katandaan na. “Opo,” tipid n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD