Chapter Eleven

3026 Words

ALAS-SIYETE na ng gabi nakarating si Athena sa labas ng headquarter nila. Ipinarada niya ang sasakyan malayo sa gate. Mula roon ay naglakad siya hanggang marating niya ang pader kung saan ang sekreto niyang daanan sa tabi ng batis. Dala niya ang kanyang lubid na mayroong hook. Iniitsa niya iyon sa sanga ng kahoy na nakayuko. Nang matiyak na matibay ang kinakapitan ng hook sa sanga ay umakyat na siya habang naglalakad sa pader at hinahatak ang sarili paakyat. Nang makasampa siya sa punong kahoy ay itinago niya ang kanyang lubid. Maingat siyang bumaba at tumakbo sa kakahuyan. Iniwasan niya ang direksiyon ng mga sniper. May iilang guwardiya na pagala-gala sa paligid. Pagdating niya sa kuwadra ng mga kabayo ay kumubli siya sa likod ng poste nang may dalawang lalaking patungo sa kinaroroonan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD