Chapter Twenty-two

2798 Words

SA Panggasinan nagpalipas ng gabi sila Athena, sa family house nila Glenn. Doon kasi maglalagi ang Mama nito. Nakatira din doon ang nakababatang kapatid ng Mama ni Glenn na lalaki. Hindi na natiis ni Dennis ang antok. Nakatulog ito pagkatapos nilang maghapunan. Binantayan niya ito sa kuwartong inilaan ni Glenn para sa kanila. Inaantok na rin siya ngunit hindi siya pinapatulog ng senaryo sa airport. Inuusig siya ng kayang isip, lalo na ng kanyang puso. Halos tatlong taon na ang nakalipas magmula noong nawala si David, ang alam niya ay sapat na ang panahong nagdaan para tuluyan niya itong makalimutan. Ngunit bakit tila naroon pa rin sa puso niya ang pagkasabik ng makita niya muli ang binata? Kumislot siya nang may kumatok sa pinto. Dahandahan siyang kumilos at tumayo upang hindi magising

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD