NAGISING si Athena nang maramdaman niya ang mainit na bagay na humahalik sa pisngi niya. Mukha ni Dennis ang namulatan niya na nakadukwang sa kanya. Ang tamis ng ngiti nito. “Morning, Meme!” bati nito sa kanya. Gumanti siya ng ngiti at pinugpog ng halik ang mukha ng kanyang anak. Makita lang niya ang ngiti nito ay buo na ang araw niya. “Work, Meme?” anito. “Yes, my boy. What do you want to eat?” tanong niya. Bumangon na siya. “Egg!” sagot ni Dennis habang tatalun-talon sa ibabaw ng kama. Kinapa niya ang kaliwang pisngi niya. Makirot iyon. Nang tingnan niya sa salamin ang kanyang mukha ay mayroon siyang pasa sa kanang pisngi malapit sa kanyang mata. Iyon na ang tinamaan ng kamay ni David noong gabi. “Egg! Egg!” sigaw ni Dennis. Kinarga na niya ito at dinala sa kusina. Pinaupo niya i