MABILIS na iniwasan ni Athena ang matalim na tingin sa kanya ni David. Tinalikuran niya ito. Hindi siya tumayo na kapantay nito. Umatras siya. Nagtataka siya bakit hindi pa bumababa ang elevator. Napatingin siya sa switch. Hindi pala iyon naka-outomatic. Kumislos siya upang pindutin ang switch pababa ngunit nagulat siya nang pareho pala sila nang naisip ni David. Nauna lang ang kamay niya sa button kaya kamay niya ang napindot nito. Hindi niya naawat ang agarang pagsikdo ng puso niya nang madama niya ang init ng kamay nito sa kamay niya. Nang bawiin nito ang kamay ay dagli siyang bumalik sa puwesto niya. Nasa kabilang dulo siya. Ayaw pa ring humupa ng kabog sa dibdib niya. Maaring sa pagkakataong iyon ay pamilyar na rito ang mukha niya dahil sa ilang beses nilang pagkikita. Hindi lamang n