BAGO pa tuluyang saktan ng kamay ni David si Athena ay inilingkis na niya ang mga kamay sa batok ng binata at siniil ng halik ang mga labi nito. Naramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng kamay nito at ang pagkalma ng anumang galit sa katawan nito. Nang maramdaman niya ang kamay nito sa balikat niya ay inigihan pa niya ang paghalik dito hangang madama niya ang pagbukas ng bibig nito. Nasabik siya nang unti-unti nitong tinutugon ang halik niya. Hindi niya ito titigilan hanggat hindi niya napupukaw ang natutulog nitong damdamin. Kumilos ang mga kamay niya at dahandahang hinubad ang suot nitong jacket. Wala itong suot panloob na damit kaya kaagad niyang nakapa ang matipunong dibdib nito. Suot pa nito ang kuwintas nito. Nang lumaya nang tuluyan ang dibdib nito ay ipinaglandas niya ang kanyan