MARIING naikuyom ni Glenn ang kanyang mga palad. Kasisimula pa lamang ng relasyon nila ni Athena bilang magkasintahan ay nararamdaman na niya ang unti-unting panlalamig nito sa kanya. Malakas ang kutob niya na mayroong malalim na dahilan kung bakit ito nagkakaganoon. Mamaya ay dumating si Mark, ang inutusan niyang alamin kung saan ang kota ng mga lobo. “Sir, may natuklasan kaming hideout ng mga lobo sa kagubatan ng La Trinidad,” batid ni Mark. “Marami ba sila?” tanong niya. “Konti lang po ang nakita namin pero mukhang may mas malaking grupo pa sila sa magkahiwalay na kota. Napag-alaman ko na ang isang grupo ng mga lobo ay walang kaugnayan doon sa malaking grupo. Maaring magkaaway ang dalawang grupo. Ang isang grupo ay mga grupo ng mga lobo na dating tao na nakagat lamang ng lobo na inf