NAKARATING na si Athena sa batis kakahanap kay David. Napawi ang pangamba niya nang makita itong lumalangoy. Nang maramdaman ang presensiya niya ay bigla itong umahon mula sa tubig. Itim na boxer lang ang suot nito. “Athena!” tawag sa kanya ni Glenn. Dagli itong lumapit sa kanya. Nagulat siya nang biglang sugurin ni David si Glenn at itinulak palayo sa kanya. Tumalsik si Glenn at kamuntik nang matumba. “David!” pigil niya sa binata saka mahigpit na kinapitan ang kanang braso nito. “Ano ba ang problema mo?” ‘takang tanong ni Glenn kay David. “Ikaw! Ano’ng ginagawa mo rito?” galit na sagot ni David. “Wala akong masamang intensiyon. Nandito ako para tulungan kayo,” ani Glenn. “Tumigil ka! Ipapahamak mo lang kami ni Athena!” “David, tama na!” saway ng dalaga. Hinarap naman siya ni Dav