Alyas Pogi AiTenshi July 9, 2017 At noong gabi ring iyon ay wala akong kamalay malay na iyon na pala ang huling beses na makikita at makakausap ko si Bogs. Dahil matapos kong tanggihan ang kanyang proposal ay hindi na ito umuwi sa bahay. Basta parang isang bula nalang siyang nawala sa aking paningin.. Part 36 Isang buwan ang lumipas.. Habang abala kami ni Bayani sa pag rereview para sa final exam sa itaas kung saan kami madalas tumambay ay siya namang pag pasok ng isang kulay asul na kotse sa loob ng campus. Dumadagundong ang sounds nito kaya naman talagang umagaw ng eksena sa mga estudyanteng nandoon. Lahat ay napatingin sa naturang sasakyan habang nag papark ito sa tabi ng puno ng akasya. Maya maya ay napatay ang music nito at marahang bumukas ang pinto. Mula