Alyas Pogi AiTenshi July 9, 2017 Part 37 "Baka naman concern lang sa iyo si Papa Bogs kaya niya sinabing layuan mo si Niro. Teka nga, mag sabi ka nga sa akin ng totoo. Kayo ba ni Niro?" tanong ni Yani "Hindi no, para ganoon lang kay Brad ang aming samahan. Parang mag kapatid lang. Wala nang iba." sagot ko naman "True ba iyan? Baka naman naisuko mo na rin ang bataan kay Niro?" pang uusisa naman niya "Hindi noh, walang malisya yung pag akbay niya sa akin at isa pa ay talagang mabait si Niro. Malayong malayo sa salaysay ni Brad at Bogs." "Hindi ko maaaring mag comment tungkol dyan frend lalo't hindi ko pa naman nakaka usap iyang si Niro. Masyado kasi siyang iwas, kapag ihahatid ka niya o sinusundo sa campus noon ay hindi naman siya bumaba para makipag kilala man lang