Alyas Pogi AiTenshi June 24, 2017 Ipapakilala kasi kita sa mga magulang ko." tugon niya habang naka ngiti "Totoo ba? Baka nakakahiya." pag aalangan ko naman. "Syempre seryoso ako na ipapakilala kita. Baka naman sabihin mo na ginalaw kita kagabi tapos ay hindi man kita pinanagutan." sagot nya habang naka ngising aso. "Parang ayaw mo yata eh." "Aba syempre gusto. Marami akong isusumbong sa kanila kaya humanda ka. At syempre gusto ko rin makita kung saan ka nag mula." sagot ko naman Part 17 "Ipapakilala ka sa mama at papa niya? May ganong drama? Umabot na kayo sa ganyang level?" tanong ni Yani na nasa kabilang linya ng telepono "Eh hindi ko alam, basta sinabi lang niya kahapon na ipapakilala nya ako ngayong araw sa mga magulang niya. Kinakabahan na nga ako." sago