Alyas Pogi AiTenshi June 25, 2017 Part 18 "Naku, mahirap iyan frend, may anak na si Papa Bogs at 3 taong gulang na ito? So 19 palang ay tatay na siya. Grabe may kalibugang taglay ha. Baka naman ginawa ka lang niyang jowa para maging taga sustento ng anak niya? Nasaan ang asawa? Ganyang ganyan yung mga kwentong nababasa ko sa w*****d eh, may anak yung mga jowa nila tapos ay babalik yung babae at sisirain ang relasyon ng mga baklang brokeback. Galit galit sila, mag kakatampuhan, mag kakalabuan, mag hihiwalay at yung lalaki ay sasama na doon sa nanay ng anak nila at mag tutungo sa ibang bansa para doon ay mabuhay ng tahimik. Tapos yung kapareha ay maiiwan dito sa bansa na nag eemote at luhaan. Ganyang ganyan iyon frend. Maniwala ka sa akin! Babalik yung nanay ng anak ni Bogs sa pana