Alyas Pogi AiTenshi June 26, 2017 Part 19 Ilang linggo ang lumipas at naikompleto na nila papa ang pag iipon ng pondo pantulong sa huspisyong tinutuluyan ni Bogs at ng ibang bata. Halos maiyak nga si mama noong binisita nila ang buong lugar, ang mga lumang haligi, mga nasunog na pader at lumang kagamitan sa loob ng gusali ay nakaka habag. "Mabuti nga po at naipagawa na ni Bogs yung bubong doon sa silid ng mga bata at sa ibang parte ng huspisyo. Medyo nakaka tulog na sila ng mahimbing kapag umuulan." ang wika ng madre habang lumakad kami sa loob. "Hindi ko na kaya frend. Masakit na masakit na ang puso ko." ang umiiyak na wika ni Bayani habang hinihamas ang mga sirang pader at upuan sa loob ng gusali. "Ang akala ko pa naman ay mayaman at buhay prinsipe itong si papa Bogs, p