Alyas Pogi AiTenshi June 28, 2017 Part 21 "Goodmorning tol" ang wika ni Brad habang sumasabay sa akin pag lalakad patungo sa classroom "Magandang umaga rin sayo. Laki ng eyebags natin ah." bati ko naman. "Oo nga e, medyo napasarap ang inuman kagabi. Teka nasaan bf mo?" tanong niya "Nandoon sa bahay. Natutulog. Ginigising ko nga e kaso ay ayaw talagang bumangon." tugon ko Natawa ito "tamad talaga ang gago. Pasensya na kung napuyat ko siya." "Ayos lang iyon. Tamad naman talaga iyon. Siguradong mag hapon siyang tulog niyan." sagot ko "Malamang sa oo. Kilala ko si Bogs kapag nalalasing, mag hapong naka higa iyan. Swerte nalang kung hindi siya sumuka sa kwarto mo." "Wag naman sana. Saka dapat ay hindi ka nalang din pumasok. Halatang bangag ka pa oh." "H