Chapter 33 3rd Person's POV "Ah oo nga pala. Malaki utang na loob namin sa pamilya mo. Tinulungan kami ng mom mo magkakapatid. Salamat din sa daddy mo dahil tinulungan niya ang mom ko mag-file ng divorce. Lahat iyon utang na loob namin sa pamilya mo," ani ni Paris. Ngumisi ang dalaga. "Hindi ba tama lang iyon na kapalit matapos mo ako gahasain? Mabait pa ako dahil pagkalipas ng ilang taon binalik ko ang pera niyo ng triple at kinalimutan ko lahat ng ginawa mo sa akin," ani ni Paris at diniin ang salitang akin. "Kung nasaan kami ngayon dahil lahat iyon sa paghihirap namin na tatlo. Mula sa grupo na ito hanggang sa posisyon namin." "Buenaventura wala ka sa lugar para pakialaman ako either ang mga kapatid ko. Wala kayong ambag na maganda sa pamilya ko," ani ni Paris. Tumawa si Dahlia a