Chapter 34 3rd Person's POV Lumipas pa ang mga araw "Hindi niyo naman ako kakaretehin na tatlo kapag bumagsak ako diba?" biro ni Jackson habang naghahanda ng breakfast. "It's okay pwede ko naman mag-take ulit kapag bumagsak ka. Mag-aral ka hanggang sa gusto mo," sagot ni Dahlia habang nakaupo sa upuan at tinitingnan ang mga kuko niya. "Hindi pwede! Dapat sabay kami ga-graduate!" apila ni Paige. Nag-offer pa ito na itu-tutor siya. "Tutulungan mo ako?" tanong ni Jackson na natatawa. Tumango-tango si Paige. Hinanda na ni Jackson ang niluto niya para sa asawa. Tumayo si Paris na nasa side niya din— ngunit pagtayo ni Paris. Biglang nahilo ang babae. Nagdalawa ang paningin niya. "Paris!" Nabitawan ni Jackson ang dalawang plato na may laman na sabaw. Nahapit niya si Paris sa bewang