Khairo Aragon's POV;
Hindi ko maiwasang mapangisi ng maramdaman ko nanaman ang titig niya mula sa kalayuan.
100% sure akong hindi niya ako nakikilala dahil sa kulay ng buhok ko pero nagawa kong agawin ang atensyon niya bilang babae katulad ng mga estudyanteng halos tunawin kami sa tingin.
"Catch." Ani ni Demitri bago ibato sakin ang hawak na plastic bottle na agad kong sinalo.
"Asan si Samson?" Tanong ko ng makitang bumalik mag isa si Demitri.
"Nambababae nanaman malamang." Sagot ni Demitri bago umupo sa kabilang bench hindi kalayuan sa pwesto ko.
"Nakikilala ka ba ni Ate?" Tanong ni Demitri pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Kung nakikilala niya ako either susugudin niya ako o iiwasan." Sagot ko.
"Dre." Napatingin ako kay Samson ng lumapit ito habang nakangisi kasunod si Khalil na may kung anong pinipindot sa phone niya.
"Saan kayo nanggaling?" Tanong ni Demitri.
"Pinadali trabaho natin nakabangga ko yung isa sa tauhan ng target natin hahaha pwede ng magnanakaw si pareng Khalil." Sagot ni Samson dahilan para tadyakan siya ni Khalil at lumapit sakin.
"Putangna mo Khalil masakit ah." Reklamo ni Samson habang hawak ang hita niya imbis sumagot lumapit sakin si Khalil at inabot ang hawak niyang phone.
"May kinabit akong bug sa phone ng tauhan ni Ms.Robles 30% lang ang chance na may malaman tayo sa usapan nila pero subukan pa din natin para maging aware tayo incase na may gawin ng move ang mag asawang Robles." Ani ni Khalil ng kuhanin ko yung phone.
"Kahit naman marinig natin yun o hindi nakaschedule na yung pag kidnap natin sa babae, hindi naman kasi tayo pwede magtagal dito lalo na si Khairo." Sabat ni Demitri.
"May nakatingin." Bulong ko ng may marandaman akong presensta mula sa likuran.
Titingin si Samson ng bigla siyang akbayan ni Khalil at natatawang hinarap kami.
"Tara kain muna tayo sa cafeteria gutom na ako." Yaya ni Khalil samin matapos kong tumayo para umalis.
Hindi kami pwedeng gumawa ng biglaang gulo dito dahil malaki ang chance na mapahamak si Denise. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong plano ng mga Robles o anong nanyaring away sa mga Monteveros at pano naipit dito si Denise pero iisa lang bagay ang dapat kong gawin ngayon iligtas si Denise.
3rd Person's POV;
"Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ng matandang Robles ss tauhang nakayuko kasunod ang ilan pang tao na nagbabantay sa dalaga.
"Hindi ako pwedeng magkamali boss nakita ko ang dalawa sa anak ni Mr.Monteveros sa mismong eskwelahan na pinapasukan ni Young lady." Sagot ng lalaki na kinayukom ng kamao ng matanda.
"Hindi sila marunong sumunod sa usapan." Nanggagalaiting sambit ng matanda bago tumayo mula sa kinauupuan at lingunin ang butler na nasa pinakasulok.
"Ihanda niyo ang private plane uuwi tayo ngayon sa pilipinas." Utos ng matanda na kinayuko ng mga tauhan.
[•Present•]
"Dre." Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dun.
"Sina Samson na yun." Ani ni Denise na kinatingin ko.
"Anong ginagawa nila dito?sinabi ko ng hindi ako pupunta sa buro---."
"Kailangan ka ng mga kapatid mo kaya pinapunta ko sina Demitri para sunduin ka." Sagot ni Denise.
"Hindi ako pupunta Denise babantayan ko kayo nina Khaira pano kung---s**t!" Mahinang mura ko ng pitikin niya ang noo ko.
"Wag mo kaming alalahanin dito Khairo sinabi na ni kuya Hector diba?safe kami dito." Ani ni Denise na kinatahimik ko.
Pano kung pati sila mapahamak hindi ko mapapatawad ang sarili ko once na may mangyari sakanilang hindi maganda. Hindi ko na alam ang magagawa kung isa sa mag ina ko ang masaktan.
"Khairo look at me." Ani ni Denise na kinatangin ko ng haplusin niya ang pisngi ko.
"Hindi kami mapapahamak Khairo, hanggat buhay ka." Dagdag niya bago ngumiti.
"Ilang beses ko ng napatunayan yun simula ng makilala kita, lahat isasakripisyo mo para sakin at sa mga pinaglalaban mo. Yun ang bagay na isa sa mga nagustuhan ko sayo at minahal ko na din, Khairo may tiwala ako sayo at alam kong lalaban ka kahit na anong mangyari." Bulong niya bago idikit ang noo niya sa noo ko.
"May tiwala ako sayo Khairo at alam kong kung ano mangyari lalaban ka kailangan ka ng mga kapatid mo ngayon."
"Denise." Bulong ko na kinangiti niya bago tumingin sakin.
"Aantayin ka namin ni Khaira."
∞∞∞∞∞∞
3rd Person's POV;
"Dre!" Napatingin ang binatang si Khairo na nakikipag sparing kay Demitri ng humagangos na pumasok si Khalil sa gymn kasunod si Samson.
"Pauwi na si Mr.Robles at narinig ko sa usapan nila na isasama nila si Ms.Monteveros pauwi ng U.S." humahangos na ani ni Khalil.
"May natawag din akong tawag galing sa informant natin sa mga Aragon tatlo sa mga tauhang natin nasa loob pinatay na ng matandang yun at humingi ng tulong si Mr.Robles para ipapatay sina Mr.Monteveros." dagdag ni Samson na kinamura ng binatang si Demitri.
"Khalil at Samson tawagan mo ang grupo nina Adrian pabantayan mo sina mom at dad." Utos ni Khairo na kinatingin ni Demitri.
"Sino si Adrian ?tauhan din ba yun ng mga Monteveros?" Tanong ng binatang si Demitri.
"Isa sa yun sa mga grupong minsan ko ng naging misyon at tinitrain ko kasama si Adrian na pinagkakautangan ko din ng buhay ko." Sagot ni Khairo bago lumapit sa isa sa mga bench ng gymn at kuhanin ang towel nito.
"Samson isama mo si Khalil salubungin niyo na din sina Adrian, Demitri sumunod ka sakin pupunta tayo kina Denise." Utos ni Khairo.
"Kukuhanin na ba natin si Denise?" Tanong ni Demitri.
"Depende sa magiging sitwasyon."