10

1006 Words
Chapter 10 [•Present•] "Samson." Ani ni Khairo pagkabukas ng pinto ng kwarto. "Ni isa sa mga kapatid mo walang nagpakita sa burol nina Drake sa isla."bungad ni Khalil na kinatigil ko. "Pati sina kuya Bullet at kuya Phantom?" Tanong ko na kinailing ni Demitri. "Andun ang Dark beats at ilang tauhan ng kapatid mo pero ni isa sa Aragon wala dun." Ani ni Demitri na kinabuga ko ng hangin. Katulad ko siguro nagdadalawang isip na din sila kung iiwas pa ba sila o lalaban dahil sa malaking posibilidad na pati ang mga pinoprotektahan naming tao madamay. Pero kung hindi kami lalaban anong buhay ang maibibigay namin sa pamilya namin kung para kaming mga dagang tago ng tago. "Lady Denise." Napatingin ako kay Denise ng lumabas din ito at isara ang pinto ng kwarto ni Khaira. "Wala din sina kuya sa burol siguradong---." "Khairo pinagusapan na natin ito diba?" Putol ni Denise na kinatahimik ko. "Pero Denise pano kung maulit nanaman ang mangyari?may mga pamilya na kaming pinoprotektahan at...at hindi ko na alam kung para saan ba talaga ang laban na ito?pwede naman tayong manahimik pumunta ng ibang bansa at magbagong buha---." *paaaak* "Lady Denise!" Parang nablangko ang utak ko ng malakas akong sampalin ni Denise na kinatingin ko. "Hindi ko iniexpect na sayo pa manggagaling yan Khairo." Nanggagalaiting sambit ni Denise habang naiiyak na tingnan ako ng masama. "Masyado ka ng makasarili alam mo ba ang mangyayari once na pimabayaan mo ang hayop mong ama sa mga kademonyohang ginagawa niya Khairo!" Bulyaw ni Denise na kinatigil ko. "Nanalaytay sa dugo ni Khaira ang pagiging Aragon mo Khairo sa tingin mo hindi niya din tatahakin ang buhay na meron ka ha?! Anong mundo ang ipapamulat mo sa anak natin?!yung patago tago?katulad ng ginagawa mo?! Isesekreto mo din ang pamilyang meron ka at ang apilyidong nakadikit sa pangalan niya habang buhay?!...Khairo kung iniisip mo ang kaligtasan natin ngayon ako iniisip ko ang magiging buhay ni Khaira in future." Naiiyak na sambit ni Denise na kinalamig kk. "Mahirap mabuhay sa kasinungalingan Khairo alam na alam ko yun dahil yung mundong yun mismo ang kinamulatan ko. Simula ng ipanganak ako wala akong kaalam alam na hostage akk mismo ng mismong pamilya ko. Yung tinuring kong nanay at pangalawang magulang ang mismong gustong pumatay sakin tapos dumating ka pa wala ka ng ibang ginawa kung hindi magtago at magsekreto sakin. Khairo ayokong maranasan yun ni Khaira." Umiiyak na sambit ni Denise. "Gusto ko pag pumasok siya ng eskwelahan tatawagin siya ng teacher niya sa buo niyang pangalan gusto ko maging proud na siya sa apilyidong ipapamana mo sakanya...pangalan na magiging selyo ng tunay niyang pagkatao Khairo yung hindi nababago,hindi nasisira at naibibigay *sob*naiintindihan mo ba ako?" ani ni Denise habang hawak ng mahigpit ang suot kong tshirt at nakasubsob sa dibdib ko. 'T-Tama.' Ani ko sa sarili ko. 'Naaalala ko na...kung anong pinaglalaban ko.' 'Pangakong binitawan ko para sa sarili ko at kay Denise.' 'Pangakong tinatak ko sa isipan ko simula ng araw na yun.' ∞∞∞∞∞∞ "f**k!" Mura ko ng pagbaba ko ng motor nakita kong duguang nagkalat sa buong paligid ang mga tauhan ni Mr.Robles. "Khairo sarado ang gate akyatin na natin!" Sigaw ni Demitri bago mabilis na umakyat. "Damn!" Mura ko matapos umakyat at tumakbo papasok ng mansyon. Sa ikalawang pagkakataon nakaramdam nanaman ako ng sobrang takot para kay Denise. Pagtapak na pagtapak ko sa mansyon sobrang dilim at wala akong ibang marinig kung hindi kalansing ng espada na hinihila. "Papa." Napatigil ako ng may makita akong bulto ng lalaki sa gitna ng sala hawak ang isang katana na punong puno ng dugo. "Putangina sino ka?!" Sigaw ni Demitri lalapit si Demitri ng bahagyang lumingon samin ang lalaki dahilan para iharang ko ang kaliwang kamay ko kay Demitri. Ang berdeng mga mata yun at ang aura niya. "Buti na lang dumating ka dahil kung nahuli ka pa ng ilang minuto baka yung babae mo pa sa itaas ang naisunod ko." Malamig na sambit ng lalaki bago mabilis na naglaho sa kadiliman. Wala pang tatlong minuto bumukas na ang ilaw at---. "P-Papa." Napatingin ako kay Denise ng mapako ang paningin nito kay Mr.Robles na naliligo sa sariling dugo. "Papa!" Umiiyak na sambit ni Denise bago yakapin ang katawang kinilala niyang ama. 'f**k it hindi niya dapat iniiyakan ang demonyong yan.' "Hayop ka!anong ginawa mo sa papa ko!!!" Galit na galit na sambit ni Denise na kinadilim ng anyo ko. "Wala kang utang na loob napaka hayop mo!*sob*." Iyak ni Denise pero imbis na sagutin siya mabilis ko siyang hinila patayo papasag siya ng hawakan ko ng pisilin ko ang weak point niya sa leeg dahilan para mawalan ito ng malay sa mga braso ko. "Kung alam niya lang kung gaano kahayop ang demonyong iniiyakan niya." Pailing iling na sambit ni Demitri. "I-Im sorry." Bulong ko kay Denise bago lumuhod habang nakahiga sa mga braso ko si Denise. 'Pasensya na kung buong buhay mo ginawa ko lahat na komplikado. Pinapangako ko sayo pagkatapos nito magiging malaya kana...wala ng kasinungalinganibabalik na kita sa pamilya mo makakapamuhay ka na sa buhay na gugustuhin mo.' ∞∞∞ "Aalis na ba tayo?" Tanong ni Demitri bago nag aalalang tiningnan ang kapatid na nasa loob ng mansyon at tahimik na nakatingin samin na papalabas ng pinto. "Yeah." Bulong ni Khairo bago tingnan ang black card na hawak at tingnan si Denise. "Wife." Bulong ni Khairo bago naglakad pabalik at kuhanin ang kamay ng asawa. "Ano ito?" Tanong ni Denise habang nakatingin sa black card na hawak. "Babalik na ang mga tunay na Aragon at ang card na yan ang magsisilbing invitation card niyo ng anak natin si Khaira once na nakapasok na kami sa Society." Ani ko bago ngumiti at halikan sa noo si Denise na naiiyak na niyakap ako. "Pagtapos na ang lahat dadalhin ko kayo sa lugar na yun...mundo kung saan ako nagmula at minsan ng naging bahagi ng pagkatao ko." "Babalik ako Denise." Ani ko na kinangiti ni Denise bago tumingin sakin. "Aantayin ka namin ni Khaira at Baby Dencel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD