∞∞∞∞∞∞∞∞∞
[•ARAGON 11•]
3rd Person's POV;
"Lumayas ka!wag na wag kang babalik dito!" Sigaw ng babaeng nasa 30s sa batang lalaki na nasa limang taong gulang bago malakas na isara ang pinto na kinayuko ng batang lalaki.
"Aantayin ko na lang ulit siguro si papa na umuwi." Bulong ng batang may berdeng mga mata bago umupo sa labas ng pinto ng isang mansyon at yakapin ang mga tuhod dahil sa lamig.
"Jedal." Napatingin ang batang lalaki ng may lumabas na batang batang babae na nasa sampung taong gulang na may dalang jacket at pagkain.
"At---."
"Shh wag kang maingay nasa taas na si mama ito oh kumain ka at suutin mo ito baka sipunin ka." Putol ng batang babae bago ilapag ang plato at suutan ng panlamig ang kapatid.
"Papaluin ka ni mama pag nakita ka." Ani ng batang si Jedal na kinangiti ng batang babae.
"Hindi naman masakit mamalo si mama tiyaka mas masakit na nakikita kang nahihirapan dahil kay mama noh kaysa sa palo niya." Humahagikhik na sambit ng batang babae bago guluhin ang buhok ng kapatid at umupo sa tabi nito.
"Binilin din kasi ni papa na wag kitang pababayaan at bantayan ka pag wala siya kung big girl lang talaga ako at may work katulad ni papa iaalis kita dito at dadalhin sa malayo hmmp." Dagdag ng batang babae na kinangiti ng batang si Jedal bago kumain.
"Mahal ko naman si mama kahit ganun siya sakin ate." Ani ng batang si Jedal na kinangiti ng kapatid.
"Ang bait bait mo talaga Jedal." Nakangiting sambit ng batang babae.
Jedal Aragon's POV;
"Nalaman ko ang ginawa mo nanaman kay Jedal kagabi Jean." Rinig kong sambit ni papa.
"Ano nanaman ba ito Danilo?dont tell me mag aaway nanaman tayo dahil sa lintik na bata---."
"Thats a bullshit Jean!anak natin si Jedal!tapos nagawa mong patulugin sa labas ang ana---."
"Hindi natin siya anak!at wala akong anak na demonyo!" Sigaw ni mama na kinayuko ko.
She keep saying na anak ako ng demonyo hindi ko maintindihan kung literal na demonyo o she potraying someone.
"Ano nang sinasabi mo Jean?naririnig ka ng mga bata." Rinig ko pang sambit ni papa.
"Eh ano?!alam nating pareho kung pano nabuo ang batang yun!dahil sa demony---."
"Tama na!" Sigaw ni papa na kinapitlag ko dahil sa unang pagkakataon narinig kong sumigaw si papa.
"Jean mahal kita at si Jedal galing sayo wala mang dumadaloy sa dugo ni Jedal ni kapatak ng dugo ko mahal ko din si Jedal dahil dugo at laman mo pa din siya." Ani ni papa na kinatulo ng luha ko.
Ang sakit lang malaman na hindi pala talaga siya ang papa ko pero---.
"Mahirap din sakin ang nangyari lalo na sayo pero Jean hindi kasalanan yun ni Jedal...hindi niya kasalanan ang nangyari para pahirapan mo siya ng ganito." Dagdag ni papa ng marinig ko ang hagulhol ni mama naiyukom ko ang kamao ko.
Mas masakit pa yata sa narinig kong hindi nila anak akong dalawa ang iyak ni mama. Kaya ba ganun siya sakin dahil may naalala siyang hindi maganda dahil sakin?
"Danilo hindi ko maiwasan tuwing nakikita ko ang batang yun hindi ko maiwasang maalala ang ginawang kahayupan ng demonyo niyang ama." Humihikbi na sambit ni mama.
"Jean----."
Napatigil ako ng may maliliit na kamay ang nagtakip sa tenga ko at iikot ako patalikod at palakarin pababa ng hagdan.
"Ate." Bulong ko ng makababa kami.
Pag kaalis niya ng mga kamay niya hinarap niya ako at pinunasan ang pisngi ko.
"Wag ka ng umiyak." Ani ni ate na kinayuko ko.
"Wag mong pansinin mga sinabi ni mama okay?isipin mo na lang kung wala ka wala akong bunsong kapatid ngayon." Dagdag ni ate na kinatingin ko.
"Blessing ka kaya samin Jedal at alam ko in future magiging succesful ka matalino ka tapos lahat kaya mong gawin madalas nga ikaw pa gumagawa ng assignment ko hihi at hindi yun alam nina mama." Ani ni ate bago ngumiti.
"Kung hindi yun nakikita ni mama kami ni papa kitang kita namin at para samin blessings ka wag mong sisihin ang sarili mo sa kasalanang wala ka namang kinalaman." Parang matandang sambit ni ate na kinangiti ko.
'Kahit papano swerte pa din ako dahil andito sila.'
"Salamat ate."
----
"Kakain na tayo." Ani ni mama kinaumagahan pagkagising namin ni Ate tatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa dinner table ng---.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama na kinatigil ko sandali bago yumuko at humarap kay mama.
"Lalabas po." Magalang na sagot ko.
Ayaw kasi ni mama na sumasabay ako sa pagkain nila ni ate dahil nawawalan daw siya ng gana pag nakikita ang mukha ko.
"Sumabay kana lalamig ang pagkain." Ani ni mama na kinatingin ko.
"Jedal upo na bilis!dito ka sa tabi ko." Tuwang tuwa na sambit ni Ate bago humila ng upuan sa tabi niya na kinakinang ng mata ko.
"Salamat po!" Tuwang tuwa na sambit ko bago umupo at sandukan kami ni mama ng pagkain.
Habang kumakain hindi ko maiwasang tumingin tingin kay mama.
'Sana hindi na ito matapos at nagtuloy tuloy na hanggang sa pwede ko ng yakapin ang mama ko.'
Tahimik lang kaming kumakain ng makarinig kami ng katok sa pinto.
"Dito lang kayo." Ani ni mama bago tumayo at lumabas sa dining area.
"Si papa kaya yun?" Tanong ni ate Danica.
"Mamaya pa uuwi si papa." Ani ko ng---.
"Hindi ako papayag!at sabihin mo diyan sa hayop mong amo hinding hindi niya makukuha ang anak ko!"
"Si mama." Ani ni ate Danica na kinababa ko sa upuan ko bago lumapit sa pinto ng dining area.
Pero bago ko makita kung sino mang kausap ni mama binalibag niya ang pinto habang nakayukom ang mga kamao.
"Mama." Tawag ni ate na kinalingon ni mama samin.
"Danica Jedal mag impake kayo aalis tayo." Utos ni mama bago mabilis na lumapit samin at hinila kami pataas.
'Sino ang mga kausap ni mama?'