12

1007 Words
3rd Person's POV; "Ohmygod ito ba yung bata?!" Tili ng babaeng mukhang kaedaran lang ni mama habang nakatingin sakin at manghang mangha na pinasadahan ako ng tingin. "Now i know kung bakit ganun na lang talaga ang pag gigitgit mo kamukhang kamuha siya ni---." "Stop Celine hindi ako pumunta dito para lang diyan." Putol ni mama. Kamukha ko?yung biological father ko ba? "Alam niya na kung nasan kami at natatakot ako para sa mga bata." Ani ni mama na kinalaki ng mata ng kaibigan ni mama. "Ohmygod!problema nga yan bakit hindi mo sabihin sa buong gang para matulungan k---." "Ayoko ng mandamay pa ng iba Celine problema ko ito." Putol ni Mama bago kami tingnan ni Ate Danica. "Pumasok muna kayo sa loob." Yaya ng kaibigan ni mama bago kuhanin ang mga gamit sa loob ng kotse at tulungan si mama. "Pansamantala dito muna kayo habang inaantay niyo si Danilo galing Cebu." Ani ng kaibigan ni mama ng makapasok kami sa mansyon niya. "Yaya pakisamahan sila sa bakanteng kwarto." Ani ng kaibigan ni mama bago ako tingna. "Hali na kayo mga bata." Ani ng matandang babae bago kami ayain pataas ng hagdan. "Ang gwapong bata Jean kaloka green eyes." Rinig kong sambit ng kaibigan ni mama bago kami tuluyang makataas. "Ano kayang nangyayari?" Tanong ni ate Danica habang hawak ang kanang kamay ko. "Baka bukas susunduin na tayo ni papa." Ani ko habang sinusundan yung katulong na may hawak na napakaraming susi. --- "Tita hindi ako sasama pag hindi kasama si Jedal." Ani ni ate na kinatingin ko habang hawak ang laruang robot na niregalo ni papa. "Baby girl diba asghfdsg." Hindi ko narinig ang sinasabi ni Tita Celine ng bumulong siya kay ate Danica. "Kyaah!oo nga pala ngayon na yun kailangan ko bumili ng gift." Tuwang tuwa na sambit ni ate Danica na kinataka ko. "Jedal pumunta ka dito sa kusina tulungan mo ako magluto." Sigaw ni mama mula sa kusina. "Ate sa kusina na muna ako tinatawag ako ni mama." Excited na sambit ko bago tumakbo papasok ng kusina. This past few days nararamdaman ko ng napapalit na ako kay mama kinakausap niya na ako at hindi na gaanong pinagagalitan o pinaaalis pag tumatabi ako sakanya. "Kunin mo yung mga gulay na hihiwain ko sa lamesa dahan dahan lang." Bilin ni mama na kinatango ko. "Opo mama." Excited na sambit ko bago pinatong ang laruang robot na pinadala ni papa at nagay sa upuan. "Kunin mo sa lamesa yung carrots,cucumber at petchay." Ani ni mama habang naghihiwa. Nang sabihin yun ni mama sumampa ako sa upuan at dinampot yung carrots habanh yung cocomber inisod ko sa gilid ng lamesa bago bumaba at kuhanin yun. "Mama ito po." Ani ko bago lumapit kay mama at inabot yun. "Akin---." Naputol ang sasabihin ni mama ng mapatitig ito sakin at sa mga hawak ko. "Ano yang hawak mo?" Tanong ni mama na kinatakha ko. "Carrots---cucumber." Ani ko na kinatingin niya sakin ilang segundo bago kuhanin yun. "Hindi ko iniexpect na 5 years old ka pa lang alam mo na ang mga ganyang gulay." Out of the blue na sambit ni mama pagkatapos kong kuhahin yung petchay. "Tinuruan po ako ni ate magbasa at madalas ko pang hinihiram text book ni ate." Pagsisinungaling ko. Tinuruan lang ako ni ate ng alphabet 2× pamali mali pa kaya nanonood ako sa tablet o laptop niya then pinag aralan ko. "Jedal." Ani ni mama na kinatingin ko habang naghihiwa siya. "Kahit na anong mangyari aalagaan mo kapatid mo wag mong hahayaang mapahamak siya." Ani ni mama na kinatigil ko. May something sa word ni mama na parang may masamang mangyayari. "Here." Napatingin ako kay mama ng may iabot siya sakin at inilahad sa mga palad ko. "Ano ito mama?" Tanong ko ng makita ko yung necklace na may kakaibang pendant. Kulay itim kasi ang pendant na may kalahating wings na design. "First gift ko sayo." Ani ni mama na kinatingin ko ng lumuhod siya sa harap ko at ituro yung kwintas. "Balang araw magagamit mo yan incase na may maghanap at matagpuan ka nila." Dagdag ni mama bago sapuin ang pisngi ko. "Napakagwapo mong bata Jedal." Bulong ni mama. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong maiyak sa sobrang tuwa ng yakapin ako ni mama. "Happy birthday Jedal." Ani ni mama na kinahikbi ko. Ito na siguro ang pinakamagandang regalo na natanggap ko simula ng isilang ako. Tinanggap na ako ni mama. ∞∞∞∞∞ [•Present•] 'Mama.' Ani ko habang nakatingin sa pendant na hawak hawak ko habang andito sa veranda. "Jedal." Napatingin ako kay Devil ng pumasok ito sa kwarto. "Burol ngayon nina Kuya Drake hindi ka ba pupunta?" Tanong ni Ivolyn na kinabuga ko ng hangin bago umiling. "Siguradong inaantay ka ng mga kapatid mo dun." Ani ni Ivolyn bago tumabi sakin at tumingin sa napakalaking buwan na nasa harapan namin. "Honestly, Ivolyn natatakot ako." Bulong ko na habang nakatingin sa kwintas ko. "Ano namang kinatatakot mo?" Tanong ni Ivolyn habang nakatingin sakin. "Marami pang mamatay na inosenteng tao katulad nina Drake. Pano kung pati ikaw madamay at mawala din sakin." Bulong ko. "Hindi ko na kaya magsakripisyo sa labang wala din namang magandang patutunguhan." Ani ko bago humawak sa railings at mahigpit na humawak dun. "Walang nangyayari sa mundong ito ang walang dahilan Jedal." Ani ni Devil na kinatingin ko. "Katulad ng kung bakit ka pinanganak?" Dagdag ni Devil na kinatahimik ko. "Para pagdusahin ang ina ko at maging dahilan ng pagkamatay niya." Sagot ko. ∞∞∞∞∞∞ "Mam---." "Dito ka lang Jedal wag kang lalabas." Putol ni mama ng makarinig kami ng galabugan sa sala. "Mama!" Sigaw ko ng makita ko si mama na lumabas sa kusina para pumunta sa sala. Hindi ko maiwasang matakot ng makarinig ako ng sigaw at malalakas na ingay. "Sinabi ko na!hindi ko ibibigay sainyo si Jedal!magkakamatayan muna tayo bago niyo makuha ang anak ko!" Nanggagalaiting sigaw ni mama dahilan para tumakbo ako palabas at---. "Mama!" Sigaw ko ng makita kong may hawak na baril si mama at---. "Jedal tumakb---." "Mama!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD