13

1069 Words
Jedal Aragon's POV; "M-Mama." Ani ko bago tumakbo palapit kay mama ng makita kong harap harapan siyang saksakin ng espada ng isa sa mga lalaking nasa harapan niya. "J-Jedal t-takbo." Bulong ni mama ng bumagsak siya at mabilis ko siyang yakapin habang umiiyak. Takot na takot ako pero hindi ko alam ang nararamdaman ko ng makita kong may lumabas na dugo sa bibig ni mama na kinaiyak ko. "Mama*sob*mama wag mo akong iwan." Umiiyak na sambit ko habang pilit na binubuhat ang ulo ni mama gamit ang maliliit na braso ko. "Anak t-tumakbo kana tumakas kana." Bulong ni mama na kinailing ko habang umiiyak. "J-Jedal m-makinig ka kay m-mama." Nahihirapang sambit ni mama bago hawakan ang pisngi ko gamit ang duguan niyang kamay. "M-Mahal na mahal k-kita at...at masaya ako n-naging anak kita." Nangingilid ang luhang sambit ni mama na kinahikbi ko. "I-Iligtas mo ang s-sarili mo Jedal." Bulong ni mama hanggang sa---. "M-Mama." Bulong ko ng makitang bumagsak ang kamay ni mama at unti unti na itong pumakit. "Mama!wake up! Mama!" Iyak ko habang pilit na ginigising si mama. 'Kunin niyo yung bata.' "Bitawan niyo ako!mama!" Sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas ng---. "J-Jedal." Napatingin ako sa pinto ng makita ko si ate. "Ate takbo!!!" Sigaw ko ng makita kong lalapitan siya ng isa sa mga lalaki. Sa pagkagulat ng kapatid ko mabilis itong tumakbo bago pa sila makasunod kinagat ko yung kamay ng may hawak sakin at dinampot ang espada na nakakalat sa sahig na mukhang pag mamay ari ng mama ko. "Matibay kang bata ka ha?" Ani ng lalaki habang nakangising nakatingin sakin. Mas malaki ang espada kaysa sakin at hindi ko yun maiwawasiwas pero---. "Subukan niyong sundan ang kapatid ko isasaksak ko mismo ito sa lalamunan ko." Ani ko na kinatigil nila. "Walang lalabas." Ani ng mukhang leader nila ng lalabas ang dalawa sa loob ng mansyon. "Bata lang yan para namang totohanin---." "Isa pa din yan sa tagapag mana ni hindi nga natakot sa dugo." Ani ng isa sakanila. "Hindi namin susundan ang batang babae pero sasama ka samin ng tahimik." Walang emosyong sambit ng mukhang leader nila na kinatigil ko bago tingnan si mama na nakahiga sa sahig. 'Pangako mama...magbabayad ang mga taong gumawa nito sa pamilya natin.' 3rd Person's POV; "Sa lahat ng batang pinasok dito ng mga tauhan ni papa ikaw lang yata ang hindi umiyak." Komento ng batang si L habang ngumunguya ng marshmallow. Imbis magsalita walang imik na umupo sa sulok ang batang si Jedal at tahimik na pinasadahan ang mga batang mas matanda sakanya ng ilang taon na may kanya kanyang ginagawa. "Balak siguro ni papa na gawin na itong orphanage." Parang batang sambit ni Hellion habang may kung anong inuukit gamit ang kahoy na tira tira sa ginagawa ng batang si trigger. "Nakakapatay yang hawak niyo diba?" Out of the blue na tanong ni Jedal na kinatingin ng mga kapatid. "Yung marshmallow ko hindi." Poker face na sagot ni L na kinibit balikat ng ilang bata sa loob. "Makakapatay lang ito pag pinutok mo o sinaksa---what the f**k are you doing Kill?" Walang buhay na tanong ni Luther sa kapatid ng makitang may hawak itong kulay green na nasa test tube. "Poison na ginawa ni Hector." Walang buhay na sagot ni Killua bago laklakin ang test tube na yan at---. "Hindi yan lason." Poker face na ani ng binatang si Hector. "Tinapon ni Lion ang nagawa kong lason." Dagdag pa ng binata habang nakikupag laro ng chess kay Bullet. "s**t!" Mura ng binatang si Killua bago nanakbo papasok ng c.r "Hihi papatayin ka naman nan sa dehydration yun nga lang maghihirap ka muna." Pumapalakpak na sambit ni Hellion na kinabuga ng hangin ng binatang si Luther. "Lunatics." Bulong ng komentong si Luther habang nag papractice ng firing sa kabilang bahagi ng basement. "Sinong pumatay sa mama mo sa mga tauhan ni papa." Tanong ni L na kinatingin ng batang si Jedal. "Pano mo nalaman tungkol sa mama ko?" Tanong ng ni Jedal na kinatingin ni L. "Dahil lahat ng bata dito bago sila tumuntong ng 6 years old pinapatay ang kinalakihang pamilya." Sagot ng binatilyo na kinayukom ng kamao ni Jedal. ∞∞∞∞ [•Present•] "Masyado kang nega Jedal tsk tsk." Ani ng dalagang si Ivolyn habang nakahalumbaba. "Kung hindi namatay nanay mo hindi mo makikilala ang mga tunay mong kapatid...wala ka sa harapan ko at hindi kita makikilala...kung hindi nangyari yun sa mama mo walang Jedal Aragon sa mundo." Dagdag ng dalaga bago tingnan si Jedal. "Lahat may dahilan Jedal namatay ang mama mo para protektahan ka. Namatay sina Drake para mas tumatag pa kayo pagsubok lang ito Jedal." Ani ng dalaga na kinatawa ng mahina ng binata. "Sa mga sinabi mo parang mapakamature mo...saan nanggaling yan?" Biro ni Jedal na kinairap ng dalaga. Jedal Aragon's POV; "Sa mga sinabi mo parang napakamature mo...saan nanggaling yan?" Biro ko na kinairap niya sa kawalan bago hawakan ang tiyan niya. "May problema ba?" Tanong ko bago maglakad papunta sa likod ni Devil at yakapin siya mula sa likod. "Narealize ko lang yan ng makilala kita." Bulong ni Devil na kinatahimik ko. "Pano kung hindi kinidnap ni papa ang mama ko, siguradong kayo magkakatuluyan ng mama alex ko isisilang nga ako pero malaki ang chance na maging papa kita." Ani ni Devil na kinatawa ko ng mahina. 'Imposible.' Ani ko sa sarili ko dahil hindi ko talaga gusto si Alex parang kapatid lang talaga ang turing ko sakanya pero---. "Kung hindi mga nangyari yun sa mama ko wala ako ngayon at hindi kita makikilala." Dagdag ni Ivolyn na kinangiti ko. 'Hindi ko siguro maeexperience ang salitang contentment at inlove kung hindi sinilang ang isang Ivolyn Rivas.' "Lahat ito pag subok lang Jedal at alam kong malalampasan niyo yun magkakapatid. Hindi pa natin alam ang magiging result o ano pang mangyayari pero...kung haharapin niyo,natin yun siguro makikita natin ang mga bagay na gusto nating makita at masasagot ang mga tanong na bakit kailangan nangyayari satin ito." Bulong ni Ivolyn bago umikot at humarap sakin. "Jedal." Ani ni Ivolyn bago ngumiti at kuhanin ang kamay ko. "Maging matatag tayo para sa pamilya at...magiging baby natin." Bulong ni Ivolyn bago itapat ang kamay ko sa flat pang sinapupunan niya. "Hindi natin mababago ang nakaraan na napagdaan na natin pero yung daan para sa mga anak natin magbubukas pa lang Jedal." Ani ni Ivolyn na kinabato ko sa kinatatayuan ko. ∞∞∞∞
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD