05

1001 Words
Khairo Aragon's POV; Kinaumagahan nagising ako ng makarinig ako ng nga kaluskos. "Kuya." Ani ko bago bumangon at tiningnan sina kuya King at Kuya Phantom na nakatingin kung saan. "Bangon na diyan Airo may mga naligaw na tauhan ni papa dito." Utos ni Kuya King na kinatayo ko sa hinihigaan ko at mabilis na dinampot ang baril na nasa tabi ko. "Aalis na ba tayo?" Tanong ko pero hindi nagsalita si Kuya Phantom at nag gesture na umalis na kami. "Tara na Airo." Yaya ni King bago tumakbo papunta kung saan na agad ko siyang sinundan. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa may nakita kaming yacht na mukhang lagayan ng mga kung ano at mga taong naglalagay ng mga gamit duon. "Airo sakay." Utos ni King bago lumusong sa tubig bago mabilis na dinampot ako ng sundan ko siya at iangat. "Kuya bilis andiyan na sila." Ani ko ng makita ko ulit ang mga black in man ni papa mula dito sa pinagtataguan ko. "No mauna ka ng umalis babalikan ko pa si Phantom magkita kita na lang tayo sa manila." Sagot ni kuya King bago damputin ang hawak kong baril. "Papahabol ako magtago ka lang diyan." Utos ni Kuya King papunta kung saan. Honestly,hindi ako nag aalala sa kahit sinong kapatid ko kasi unang una kilala ko sila masahol pa sila sa hayop at kahit saang gubat o mundo sila pumunta alam kong makakasurvive sila. --- "May bata." Nagising ako kinagabihan ng may tumutok sakin ng flashlight na kinabangon ko. Umaandar na ang yacht nakahinga ako ng maluwang ng wala akong makitang black in men sa paligid. "May bata dito anong ginagaw---." "M-May humahabol po kasi saaking bad guys pasensya na po kung nakisakay ako ng walang paalam." Nag act ako na natatakot na kinalambot ng ekspresyon ng matandang babae bago lumuhod sa harap ko. "Isa ka ba dun sa mga batang hinahabol ng mga nakaitim kanina?" Tanong ng matanda pero imbis sumagot yumuko lang ako. "Sige pwede ka manatili dito kumain kana ba?" Tanong ng ale na kinailing ko. "Pero mama hindi natin alam kung sino ang batang yan mamaya hawak yan ng sindikat---." "Ano ka ba Ariel? Hawak man siya ng sindikato o hindi bata pa din siya at kailangab ng tulong natin." Ani ng matanda bago ako alalayang tumayo. "Malamig dito sa loob kana matulog pagkatapos mo kumain." Ani ng matandang lalaki na kinangiti ko. "M-Maraming salamat po." Mahinang sagot ko hanggang ngayon pala may mga nabubuhay pa ding katulad nila. Mga mabubuting tao. --- Nag ilang araw kami sa dagat at masasabi kong nagkaroon ako ng instant pamilya sa maikli lang na panahon dahil hindi nila ako tinuring na iba sakanila. Minsan nagtatanong sila sa pamilya ko pero hindi ko yun sinasagot dahil hindi yun safe para sakanila. "Ang galing." Hindi makapaniwalang sambit ko habang hawak ang tali na sabi ni Kuya Ariel saranggola daw. "Ariel!alalayan mo yang si Khairo mamaya liparin yan ng saranggola ang laki laki ng ginawa mo." Biro ni Nanay na kinatawa ko ng mahina. "Big boy na po ako nanay kaya hindi na po ako liliparin." Sigaw ko mula sa labas ng deck na kinatawa nina kuya Ariel. Habang nagpapalipad nagulat ako ng maputol yun at---. "Tatay!" Sigaw ko ng makita ko ng harapan kung pano siya barilin ng mga tauhan ni papa mula sa ibaba. "Papa!" Sigaw ni Kuya Ariel baba siya ng itulak ko siya paloob ng magpaulan ng bala ang mga black in men na nakasakay sa speed boat. "Magtago kayo nanay at kuya Ariel!" Sigaw ko na sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot para sa iba hindi sila pwedeng madamay dito. "Khairo saan ka pupunt---." "Aalis na ako nanay salamat po sa lahat." Ani ko bago gumapang palapit sa pinto ng deck. "Khairo hindi pwede delikado kung lalabas ka!" Sigaw ni Kuya Ariel na kinangiti ko bago sila tingnan. "Ako ang habol nila pag nanatili pa ako dito baka pati kayo madamay." Ani ko bago tuluyang lumabas at dinampot ang bakal na nasa gilid at tumalon sa tubig. "Ayun siya!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ni papa bago ako lumangoy pailalim habang nakikipag habulan sa nagliliparang bala. Patuloy lang ako sa paglangoy hanggang sa huminto ako sa pinakailalim ng isang speed boat na malayo sa yacht. "Nasan na yung bata tangna." Mura ng isa sa mga nakasakay sa speedboat na agad kong hinila pababa at hinampas ng bakal. "Ika---." Nang makasakay ako hinampas ko ang baril ng isa sa mga tauhan ni papa at malakas na sinipa ito pahulog bago paandarin ang Speed boat na kinatingin ng ilan pang humahabol sakin. "Ayun yung bata!" Sigaw ng isa sa black in men bago ako paulanan ng bala na mukhang hindi ako ang target dahil yung speed boat mismo ang pinupuntirya nila. 'Akala ba nila papahuli ako ng buhay?' "Sorry Kuya Ariel at Nanay balang araw mababayaran ko din ang utang na loob ko sainyo...babalikan ko kayo." Bulong ko sa sarili bago mas pinatakbo yun ng mabilis. "Saan naman ako pupunta ngayon?" Naiinis na sambit ko ng mukhang nailigaw ko na yung mga aso ni papa. Patuloy lang ako sa pagpapatakbo ng speedboat ko ng makarating ako sa pampang kung saan maraming mga bangka,barko at yacht. "May bata." May ilang nakakita sakin na bumaba sa isang speedboat na kinangiwi ko ng marealize kong hindi normal yun para sa isang 4 years old na kagaya ko. Pero sino bang may pake sa normal sa hindi para sa mga Aragon diba? Habang naglalakad hindi ko maiwasang humanga sa mga nakikita ko ang daming tao at---. "Manila." Bulong ko ng makarating ako sa pinakabukana at makita ko ang mga nagtataasang building. Minsan na akong nakapunta dito pero mga piling lugar lang iyon at alam ko ding may mga establishments dito si papa. "Palimos po." Napatingin ako sa mga batang pulubi sa gilid ng kalsada na nanghaharang ng mga tao ng may pumasok na ideya sa utak ko para hindi ako makilala. "Tama." Bulong ko bago tumakbo pabalik sa daungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD