06

1287 Words
Khairo Aragon's POV; Ilang araw ako nagpagala gala sa kalsada at gutom na gutom na ako nagtry akong mamalimos pero swertehan na lang talaga kung may mamimigay. Habang naglalakad hindi ko maiwasang mainggit sa mga batang may kasamang magulang. "Mama." Bulong ko ng maalala ko ang mama ko. "Kung hindi siguro kami nahanap ni papa hindi ako magkakaganito." Bulong ko bago umupo sa isang bench at tahimik na tingnan ang nga dumadaang tao. 'Kailangan ko na sigurong maghanap ng taong pwedeng mag may ari sakin, kahit ano gagawin ko may matirahan lang ako at makainan.' "Oy bata." Napatingin ako kay mamang gwardya ng hilahin ako nito patayo. "Yung bata bawal dito private pro---." Napatigil si manong ng magkasalubong ang mata namin ayoko sa lahat hinahawakan na lang ako basta basta. "Manong." Napatigil ako ng ilang segundo ng may babaeng lumapit at mahinang tinapik yung gwardya na napapitlag sa gulat. "Manong anong problema?" Tanong ng babae bago ako tingnan na parang nagtataka. Napakainosente ng mukha niya meron siyang kulay chocolate na mga mata at medyo kulot na buhok. 'Ang ganda.' "Bata ayos ka lang?" Pag aalalang tanong niya na kinatahimik ko ng ilang segundo. 'I found her.' "I want you to be my... personal owner." Ani ko na kinatawa niya ng mahina bago yumuko. "Pera ba yan?o company." Pagbibiro niya. 'Higit pa dun ang mabibigay ko pag pumayag ka.' ∞∞∞∞∞∞ |•Present•| "Khai?" Napatingin ako ng tawagin ako ni Denise at umupo sa tabi ko habang hawak ang ulo ng anak naming si Khaira. "Okay lang ba na nandito ka?Imean nakaburol ang malalapit na kaibigan ng mga kapatid mo." Tanong ni Denise na kinatahimik ko ng ilang segundo. "Pumunta man ako hindi walang magbabago Denise." Ani ko bago tingnan si Khaira. "Nang mamatay ang isa sa tinuring naming kaibigan, isa sa mga taong kasama namin sa laban dun ko lang naramdaman na nasa kalagitnaan na talaga kami ng gyera. Galit na galit ako Denise gusto ko silang durugin at sumugod dun para ubusin sila." Dagdag ko na kinayukom ng kamao ko ng maalala ko sina Drake. "Khairo." Ani ni Denise na kinatingin ko ng sapuin niya ang isa sa pisngi ko. "Katulad ko alam nina Drake ang mangyayari sakanila pag patuloy silang sumumod sainyo katulad nina Demitri at Samson na patuloy lumalaban kasama mo...ninyo." pabulong na sambit ni Denise. "Ang mundo hindi lang kasing laki ng basement katulad ng kinalakihan niyo Khairo, hindi didilim at liliwanag na naayon sa gusto niyo dahil isa kayong Aragon. Ang mundo binubuo ng mga tao at kinokontrol ng iisang diyos kahit gaano pa kayo kalakas,katapang at katalino hinding hinding niyo mababago ang mga bagay na hindi niyo gusto." Ani ni Denise na kinatahimik ko. "Patuloy ang laban Khairo hindi na mababago ang mga nangyari na pero hindi ibig sabihin nun hindi tayo matututo. Andito lang kami Khairo maghihintay kami ni Khaira sayo at sainyo." Ani ni Denise bago ngumiti na kinalambot ng expression ko bago marahang halikan ang likod ng palad ng kauna unahang babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko. ∞∞∞∞∞∞ Her Name is Denise Robles 13 years old highschool student may maamo siyang mukha medyo kulot na buhok at kulay chocolate na mga mata minsan ko na siyang nakita at alam kong hindi lang ito basta coincidence kaya napag pasyahan kong mag stay sa tabi niya kahit medyo mahirap dahil nakikita ko ang mga tauhang nagkalat sa paligid at ang malala pa nito kilala ko ang pamilya kung san siya nabibilang. "Khairo?yan ba ang pangalan mo?" Tanong ni Denise ng mabasa ang pangalang sinusulat ko sa putik. Simula ng araw na yun napag pasyahan ko na siyang protektahan kahit punong puno ng sekreto ang buhay ko. Sumama ako sakanya kahit posibleng mapahamak ako dahil sa gagawin ko. Hinimasukan ko ang buhay niya kahit malaki ang posibilidad na magulo ang akin masayang lahat ng ginawa ng mga kapatid ko. 3rd Person's POV; "Jedal." Bulong ng batang si Khairo ng makita ang kapatid sa isang mall ng dalhin siya dun ni Denise sa mismong birthday niya. "Anong ginagawa mo Airo?" Tanong ng batang si Jedal habang nakatalikod ng sundan siya ng batang lalaki. "K-Kailan mo pa ako sinusundan Jedal?" Tanong ng batang si Airo at lalapit ito sa kapatid ng---. "Lumalampas kana sa linya mo Airo nandito lang ako para warningan ka. Wag mong sirain ang plano at sakripisyo ng mga kapatid natin dahil lang sa iisang babae." Ani ng batang si Jedal na kinabato sa kinatatayuan ng batang si Khairo. "Naiintindihan ko." Bulong ng batang si Khairo ng humakbang na paalis ang kapatid at unti unting tabunan ng napakaraming tao. Khairo Aragon's POV; Ilang minuto pa akong tumayo dun hanggang sa---. "Pandekoko! Pandekoko bumili na kayo mainit init pa!" Napatingin ako sa kabilang kalsada ng makakita ako ng aleng nakaupo sa isang bangkito at sa harap nito ang malaking styro. "Pandekoko?paborito yun ni Denise." Tatawid ako ng---. "Bata!" Sigaw ng police officer bago ako harangin. "Hindi ka dapat basta tatawid dun ka sa pedestrian line." Pangaral ng police officer. "Nasan kasama mo naliligaw ka ba?" Sunod na tanong ng police officer na kinailing ko kasama ko naman si Ate. "Hindi po kasama ko po ate ko at gusto ko lang bumili nung pandekoko favorite niya kasi eh pasensya na po." Ani ko na kinalambot ng expression ng police officer. "Sige ihahatid kita sa kabila pero sa tamang tawarin kana tatawid okay?" Ani ng police na kinangiti ko bago tumango. "Maraming salamat po!" Sagot ko pagkatapos niyang sumipol pinastop niya yung mga kotse at hinayaan akong tumawid. "Manang pabili nga po ng apat na pandekoko." Ani ko bago kuhanin ang bente pesos sa bulsa ko na tira sa pinababaon sakin ni Denise actually wala akong ginagalaw sa binibigay ni Denise hindi ko naman kasi kailangan ng pera at may pinababaon siya sakin. Binabalik ko yun sa wallet niya pagkakauwi ko kasi alam kong baon niya yun hinahatian niya lang ako. Matapos kong makabili at tumawid nagulat ako ng marinig ko si Denise na sumisigaw. "Khairo!" Sigaw ni Denise na kinatigil ko ng sunggaban niya ako ng yakap habang umiiyak. "Peste kang bata ka!saan ka ba nanggaling ha?!tinakot mo ako!" Bulyaw sakin ni ate. "Ate may binili lang ak---." "Wag mo na uulit uulitin yun Khairo*sob*." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong umiiyak si ate habang nanghihinang nakaupo sa gutter. Habang ako hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang may kung anong pumipiga sa puso ko ng makita ko siyang umiiyak dahil siya ang pangalawang babaeng umiyak para sakin bukod kay mama. 3rd Person's POV; "Arghh!" Daing ng lalaking may hawak ng baril ng may batang nagbaon ng patalim sa sikmura niya at sinaksak pa ng apat na beses. "Pang walo ka sa araw na ito." Bulong ng batang si Khairo bago punasan ang pisnging natalsikan ng dugo galing sa hindi kilalang lalaki. "Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ganun na lang ang takot ng mga nakakataas ng malamang nagkalat ang mga tagapag mana." Bulong ng lalaking nasa labas ng gate ng isang mansyon at nakatingin sa batang may hila hilang kung sino. "Syvien hindi ba natin kakausapin ang batang yan?" Tanong ng kasamang nasa likuran ng puno. "Kung gusto mo mamatay ikaw kumausap nakita mo ba ang nangyari sa tauhan mong pinapasok mo sa loob?" Tanong ng binatilyo na kinangiwi ng kasama nito. "Eh anong plano mo?isang Argo ang babanggain natin once na mangialam tayo sa pamilyang yan. Kung kakausapin naman natin 10% lang ang chance na makalapit tayo." Ani ng lalaki. "Walang 10% chance kung ang target natin ay yung babaeng nasa loob mismo ng mansyon." Sagot ng binatilyo na kinatahimik ng lalaki. "Damn it ito ang first mission natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD