07

933 Words
3rd Person's POV; "Malaki ang kasalanan ng hayop na yun sakin Jethro at hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti!" Sigaw ng matandang nasa 30s pagkatapos hampasin ng malakas ang lamesa. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Syvien may Argovios sa mismong teritoryo ng mga Robles hindi ba pumasok sa isip na maaring hawak ng mga Aragon ang pamilya nila?tama ng nakabangga natin ang Ercon dahil oras na ang Argo naman ang nakabangga natin baka tuluyan na tayong burahin ng Astrals sa Society." Ani ng lalaking nasa 30s na kinagitgit ng lalaking kausap bago mabibigat ang paang lumabas sa silid. "Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang galit ni James pero hindi tayo pwede magpadalos dalos." Ani pa ng lalaki na nasa loob. "Wala tayong batas na sinusunod sa High Society pero oras na sirain natin ang kaisa isang batas na nilapag ni Supremo wala sa angkan natin ang matitira sa mundong ito." Sabat ng lalaki bago itungkod ang dalawang siko sa lamesa at ipatong ang baba sa likod ng mga palad at tingnan ang mga kasamahang nasa lamesa. Khairo Aragon's POV; Hindi ko pwedeng isawalang bahala ang mga taong umaaligid samin pero hindi ko din sila pwedeng salubungin dahil hindi ko alam kung kilala nila ako o hindi. 'Pero kung hindi nila ako kilala at target nila si Denise...lalapit sila.' Inikot ko ang patalim ko sa kaliwang kamay ko habang nakatingin sa dalawang taong tahimik na nagmamatyag sa labas ng mansyon. Wala pang limang pulgada ang layo ko sakanila ng---. "Sabi na ikaw na mismo ang pupunta dito." Napapokerface ako ng humarap sakin ang isa sa dalawang lalaki. "Ilang araw kana naming inaantay pero hindi ka lumalabas." Panimula ng lalaking yun bago ngumiti habang ang isa naman ay nagtago sa likuran ng lalaki habang namumutla. 'Ang lalaking ito.' Base sa aura niya mukha siyang harmless isama mo pa ang kakaibang karisma pero kung ibabase ko sa galaw,pananalita at presensya niya masasabi kong isa siya sa pinakadelikadong tao na dapat mong iwasan. "Wala akong ideya sa angkan na pinanggalingan mo pero sa katangiang meron ka isa kang Silverius." Ani ko na kinangiti niya. "Is that so?" Pabalik na tanong niya na kinadilim ng anyo ko. Pinaglalaruan niya ako itataas ko ang patalim ko para tapusin sila ng---. "Teka." Ani ng lalaki na kinahawak ko ng madiin sa hawak kong patalim. "Hindi ko gusto na galitin ka pero andito kami hindi bilang kalaban." Dagdag ng lalaki dahilan para ibaba ko ang hawak kong patalim. 'As expected sa mga Silverius magaling sila magsalita at magmanipula pero kung ano mang pakay nila dito nasisiguro kong hindi maganda yun lalo na teritoryo ito ng mga Robles at isa sa mga hawak sa leeg ni papa.' Ayon sa nalaman ko kay Kuya L ang Silverius ang may hawak sa publicity ng underground at kilala sila bilang mukha ng organization. Hawak nila ang gobyerno,militar,presidente ng ibat ibang bansa at karaniwan sa miyembro nila mga royal bloods o mga anak ng Duke na nanggaling pa sa ibang bansa. "Kung sasabihan niyo ako na wag akong mangialam sa kung ano mang kailangan niyo dito...uunahan ko na kayo pag ginalaw niyo ang babaeng nasa loob ng mansyon magpasensyahan tayo dahil pag dating sa pinoprotektahan ko nawawalan ako ng pake sa batas." Walang emosyong sambit ko bago tumalikod maglalakad ako ng---. "Sabihin na natin na isa kang Argo at kung pagbabasehan natin ang lakas nating dalawa kahit nasa walong taong gulang ka masasabi kong wala akong laban sa isang tulad mo." Ani niya na kinatingin ko. "Pero isa ka pa ding bata." Dagdag niya bago ngumisi at nakapamulsahang titigan ako. "Bata na bukod sa pumatay wala ng ibang alam kaya kung ako sayo bago mo hawakan matuto kang pag aralan at tingnan." Ani niya na kinayukom ng kamao ko. "Elxide ano bang sinasabi mo?" "Khai!" Napalingon ako sa labas ng mansyon ng makita ko si Denise na sumisigaw mula sa loob ng mansyon. 3rd Person's POV; "Ano bang naisipan mo at sumama ka pa?diba sabi ko sayo sa bahay ka lang?"ani ng dalaga habang nasa byahe. "Eh ate pagkahatid namin sayo uuwi na kami ni manong."sagot ng batang si Khairo habang nakayuko at kung anong tinitingnan sa ilalim. "Ikaw talagang bata ka kung ano ano naiisipan mo."ani ng dalaga bago umuklo at tiningnan ang kapatid na nasa pasanger seat. "Manong pagkadating ko sa school iuwi niyo na itong pasaway na ito napapagala lang yata ito."bilin ng dalaga na kinatawa ng mahina ng matanda. "Opo ma'am iuuwi ko agad si sir Khai."sagot ng matanda na kinasimangot ng batang si Khairo dahil sa pagtrato sakanya ng dalaga na tila isa siyang batang paslit Maya maya.. "Ma'am may problema yata sa preno ng kotse ayaw gumana."kinakabahang ani ni Manong habang pilit na tinatapakan ang preno. "Anong problema?manong yung stop light!"sigaw ng dalaga ng makitang magred ang stop light na kinalaki ng mata ng dalaga dahil sa truck na babangga sa sinasakyang kotse. "Ate!!" Sigaw ng batang si Khai bago tunayo at mabilis na niyakap ang dalaga sa likuran at pilit na pinoprotektahan gamit ang maliit niyang katawan. "Aaahhhhh!" Sigaw ng dalaga ng makaramdam siya ng sobrang lakas na impact kasunod ang sigawan ng mga tao sa paligid. "D-Denise." Bulong ng batang si Khairo bago pilit na minumulat ang mga mata at iikot ang paningin. 'Tumawag kayo ng ambulansya!!' 'Ohmygod!tulungan niyo yung mga nasa loob!' 'Medic!' "D-Denise." Ulit ng batang si Khairo habang pilit na inaaninag ang mga kableng nakikita at iikot ang paningin sa paligid Hanggang sa magdoble ang paningin nito at makaramdam ng hilo dahil sa dugong nanggagaling mula sa ulo. "I-Im s-sorry..Denise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD