LEXXIE “OKAY ka lang ba, Lex?” pabulong na tanong ni Bonnie sa akin. Sumulyap pa siya kay Ian at sa babae. Wala namang ibang alam si Bonnie na naging karelasyon ko kung hindi si Ian lang. Kahit hindi ko sabihin kasi kay Bonnie, alam niya kasi malakas makiramdam ‘yan gaya sa Zambales. Kaya ayon, sumama ang tingin niya kay Ian nang makita niyang may kasamang iba. Napangiti ako nang mapakla sa loob-loob ko. Oo nasasaktan ako sa nakikita ko. Pero anong magagawa ko, hindi naman niya tinanggap ang sorry ko. Kaya wala akong karapatan na kuwestyunin ang pinaggagawa niya dahil parang wala na kami. Hindi naman ako palengkera kaya hindi ako susugod sa kanila kahit na kasal kami. Paano kung mapahiya ako? Pero hindi ko maiwasang maghimutok. May pa-openbook pang nalalaman ang gago. At ano daw ‘yon?

