LEXXIE’S POV SAGLIT akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na maghahanap nang maayos na signal. Pawala-wala kasi sa dalampasigan. Mukhang bukas pa yata ako makakapasok dahil hindi pumayag sila Callen na ihatid ako. “Oh, sh*t!” malakas na pagkakasabi ko nang maramdaman ang pagsagi ng kahoy sa aking hita. Naka-shorts lang kasi ako noon tapos medyo masukal na pala dito sa pinuntahan ko. Pero dito kasi ang malakas na signal. Naghanap ako ng pwedeng mapuwestuhan. Nakakita ako ng batong malapad kaya doon ako naupo. Mabilis kong dinayal ang numero ni Dayudong na sinagot naman niya kaagad. Mahirap na kasi, baka mawala na naman ang malakas na signal. Pero nahirapan pa rin akong kausapin siya para ihabilin ang ibang mga gagawin. Kaya nagpasya akong mag-long message na lang sa kanya pagkatapos ay na

