LEXXIE "YOU mean, kaya nandito ang Columbo para hanapin ako dahil ang akala nila ako ang totoong asawa ni Zale at may anak kami? Why? Eh 'di ba nga, alam ng Mommy mo may anak kayo ni Zale? Paanong nadamay ako?" Binaba ni Cindy ang anak sa malaking playground nito at hinarap ako. Inayos pa niya ang suot niyang simpleng bestida. Inilinga ko pa ang tingin sa bahay niya. Hindi ko ini-expect na titira siya sa ganitong simpleng bahay. "Isa na nga 'yan, Lexxie, dahil ikaw ang nakasama niya sa Africa. Ang sabi din sa akin ni Mommy, may iba pa silang sadya sa 'yo, hindi na niya nabanggit sa akin. Pero hindi lang sila ang interesado sa 'yo, pati ang Markesa, ang mga taong loyal sa pamilya ni Zale. Dahil ang akala nila may anak kayo. At gusto nilang kunin ang bata gaya ni Zale para ipagpatuloy a

