LEXXIE PAHIKAB pa na sumagot ako kay Ramil. May tinatanong siya sa akin kung bago bang kaso ang hawak kong folder na nilapag. Kakagaling ko lang sa meeting kasama ang superior namin. Kakarating lang din ni Ramil dahil may iniutos ako sa kanya. Tumingin si Dayudong sa relo niya kapagkuwan. "Okay lang ba kung mauna na akong umuwi, Sarhento?" "Ay, oo nga pala. Mauna ka na, tumawag na ang asawa mo. Ako na muna ang bahala dito." Ngumiti pa ako sa kanya. "Salamat po." Sumaludo din siya sa akin kapagkuwan. Lagi ko siyang pinapauna na umuwi lately dahil may sakit ang anak niya. Walang kapalitan sa pagbabantay kaya gano'n na lang ang ginagawa ko. Inaagahan na din kasi namin ang lakad namin pagdating sa mga imbestigasyon namin. Napasinghot ako kapagkuwan nang maamoy ang pabango ni Ramil. Sakt

