LEXXIE SINUNDAN ko nang tingin si Ian nang maupo sa upuang nasa harap ng kama. Hindi ko alam kung nasaan kami, hindi pa ako nakapunta dito kahit kailan. Ngumiti siya sa akin pagkuwa’y sumimsim ng alak. Pinagmasdan niya rin ako. Napapakagat pa siya ng ibabang labi habang nakatingin sa suot kong nightgown. Sigurado akong siya ang nagpalit sa akin. Ramdam ko ang lamig sa aking hita kaya alam kong underwear lang ang suot ko. “Papakawalan mo ako, o hindi?” untag ko sa panonood niya sa akin. “Again, Pangit?” aniya na parang hindi narinig ang sinabi ko. Kaya nakagat ko rin ang labi ko sa sobrang inis. “‘Pag ako nakawala dito, yari ka talaga sa akin.” Naikuyom ko pa ang kamao ko. “‘Yon ay kung papakawalan pa kita. Sa sobrang tigas ba naman kasi ng ulo mo. Uhm, sarap mong parusahan talaga.”

