LEXXIE HINDI ko maiwasang pagalitan ang sarili ko pagkabukas ng shower. "Nakakahiya!" sigaw ko pa. Sabi na nga bang may makakakita sa amin, hindi ako nakinig sa sarili ko. Anong mukha kaya ang ihaharap ko kay Niccolo? Akmang magsasabon ako ng sarili ko nang marinig ang yabag mula sa labas. Kinabahan ako bigla dahil wala akong narinig na tawag mula sa labas. Hindi ko rin maalala kung sinara ko ba iyon. Akmang kukunin ko ang panlinis sa toilet bowl para sana ipanghampas nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n si Ian kaya nakahinga ako nang maluwag. "God, tinakot mo ako!" Sabay sapo ko ng ulo ko habang ang isang kamay ay nakapameywang. Pero natigilan ako nang makitang titig na titig si Ian sa hubad kong katawan. Walang sabi-sabing tinapon niya ang T-shirt niya na noo'y nakasampay sa bal

