LEXXIE "P-PANGIT, STOP! W-wait naman, o, may kumakatok." Pigil ko sa kanya nang akmang papatong siya sa akin. Kakatapos lang naming pagsaluhan ang isa't isa sa kama ko. "Damn! Ang aga-aga niyan." "B-baka si Nanay..." "Oh, okay." Mabilis na naglinis ako ng baba ko ng wipes at nagbihis. Mabilis din ang kilos ko nang bumaba. Sinenyasan ko pa si Ian na 'wag maingay. Ngumiti lang siya sa akin. Pero wala akong tiwala sa ngiti niya kaya tinaas ko ang kamao ko bilang babala pero sinaluduhan lang ako. Dalawang beses akong nagpakawala ng buntong hininga nang makarating sa may pintuan. "'N-Nay, T-Tita," ani ko nang mabungaran sila. Kakaiba ang mga tingin nila kaya napangiwi ako. "Nakita mo ba, anak, si Ian? Kagabi pa nawawala," ani ni Nanay nang nagmadaling pumasok. "Oo nga, anak. Kayo ra

