IAN’S POV NAPABALIKWAS ako nang tayo nang marinig ang binulong ni Niccolò. “Where is she?” “Nasa van, Boss.” Akmang hahakbang ako nang pigilan ako ni Niccolò. “Anytime, mag-start na ang ceremony, Boss.” “I know.” Pero humakbang pa rin ako para puntahan ang babaeng iyon sa sasakyan. Sa isang buwang pagtatago ni Rhea, sa wakas ay nahuli din namin siya. Naghihintay na sa kanya ang selda niya dahil sa ginawa niya kay Kimberly. Maliban doon, sangkot siya sa pagkamatay ng isang nurse sa Cebu. Kaya pala nakiusap siya kay Mommy noon na magpalipat dito sa CMC. At iyon ang laman ng USB na nasa manika ni Gwen. Kaya pala nagparamdam si Kimberly sa akin bago siya mawala ay para umamin sa akin tungkol sa kasinungaling nasabi niya noon. Hindi na siguro nakaya ng konsensya niya. Pero nang mala

