Eliza's POV Isa-isang nagsilapitan sa puwesto namin ni Jessa ang dati kong kasamahan sa studio. Break time kaya may panahon silang makipag-chikahan. Habang si Jessa, ang haba na ng oras na pahinga niya. "Kamusta ka na, Eliza?" tanong ni Mara habang humihigop ng kape. "Ayos lang naman." "Mabuti ka pa, may asawa na. Mayaman na pogi pa." dagdag na sabi ni Mara. "Bakit? Hindi ba't mayaman din naman si Eliza?" sabat naman ni Marco. "Alam namin. Hindi ko nga alam kung bakit nagtitiis 'yan dito si Eliza eh! Kung tutuusin kayang-kaya niyang magkaroon ng sariling art studio." si Jessa naman ang sumingit sa usapan. Oo, kayang-kaya nila Mommy iyon pero hindi ko hiningi sa kanila. Gusto ko kasi, galing sa pinaghirapan ko ang gagamitin ko para magkaroon ng sarili kong art studio. Isa pa, na

