Eliza's POV Nagising akong malamig ang kabilang bahagi ng kama. Wala sa tabi ko si Keanne. Masasanay na yata ako na hindi katabi ang asawa. Pagkatapos kasi ng may mangyari sa amin kagabi ay umalis na naman ito. Palagi na lang ganoon ang nangyayari. Lumabas siya ng kwarto at hindi na bumalik. Hinintay ko siya ngunit inabot na ng alas onse sa kahihintay walang Keanne na bumalik. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong masaktan o masanay na lang. Parang paulit-ulit na lang ito at baka kapag nasanay na ako, hindi ko na siya hahanapin pa. Hahayaan ko na lang na lilipas ang mga gabi na hindi ko siya katabi. Mariin akong napapikit bago bumangon sa kama. Ayoko sanang masanay sa ganito pero parang iyon na nga ang nangyayari. Unti-unti ko ng tinatanggap ang presensiya niyang panandalian lang.

