Eliza's POV Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Puting kisame kaagad ang sumalubong sa akin. Nagbaba ako ng tingin, napatingin sa swerong nakakabit sa kamay ko. Alam kong nasa hospital ako. Napakunot ang noo ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit agad akong napangiwi dahil medyo masakit. “Ma’am… gising na po pala kayo?” Napalingon ako sa gilid. Isang nurse ang nakatayo roon, hawak ang chart. Nakatingin siya sa akin. “A-anong nangyari?” paos kong tanong. Para akong nauuhaw, tuyo ang lalamunan ko. Hindi agad siya sumagot. Napansin kong umiwas siya ng tingin sa akin. Humigpit ang hawak niya sa chart. “Anong nangyari?” ulit kong tanong sa kaniya. “Ma’am…” mahinang sagot niya. “Huwag ho sana kayong mabibigla.” Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit iba ang

