Eliza POV "William?” sambit ko halos pabulong lang na lumabas sa bibig ko. hindi makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. After five or six years yata na hindi ko siya nakita. Ngayon nandito siya sa aking harapan. Nakangiti at mukhang masayang-masaya ang buhay niya. Hindi naman maitatangging nag-iba na siya ngayon. Napakagwapo niya sa kaniyang tindig. Dagdag pa ang mga ngiti nitong nakakalaglag panty. Binalingan ko ang mga kaibigan ko sa tabi ko. Napatahimik silang lahat. Pansin kong nakaawang ang kanilang mga labi habang nakatingin kay William. Halos hindi na sila kumurap. Huminto si William sa harap ko at ngumiti nang mas malapad. “Late na ba ako?” tanong niya. Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang bouquet. "Flowers for you." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ewa

