Eliza's POV Nakangiti ako habang pinapanuod sila Mara, Rowena, Jessa at Ms. Gwen sa gitna. Lasing na ang mga ito at nagsasayawan na sila doon. Yung ibang mga bisita nga ni Mommy ay nagsiuwian na kaya mga bisita ko na lang ang natira. "Eliz! Halika dito!" sigaw ni Rowena. Umiling ako. "Kayo na lang. Mag-enjoy muna kayo! Bukas back to reality na naman tayo." sabi ko sa kanila. Iyon nga ang ginawa nila. Sobrang nag-eenjoy silang tatlo. Habang nasa gitna nagsasayawan, may kaniya-kaniya naman silang hawak na wine glass. Napapansin kong napapailing na lang si Ms. Gwen. Wala siyang nagawa sa mga kasama niya dahil talagang maiingay at makukulit ang mga ito. Si Rowena pa lang, talagang mapapagod ka kapag kasama siya, lalo na nagsama pa sila ngayon ni Jessa. Isa rin sa pinakamadaldal kong kai

