Third POV Tahimik ang loob ng opisina ni Keanne nang tuluyang makapasok sila ng kaniyang secretary. Mabilis ang mga hakbang niya habang naglalakad papunta sa kaniyang office table. Halata sa kaniyang mukha ang inis na pilit niyang pinipigilan. Pagdating sa harap ng table ay kaagad siyang umupo sa kaniyang swivel chair. Umikot pa iyon nang bahagya habang isinasandal niya ang likod sa sandalan. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang matalim ang tingin sa sekretaryang nakatayo ngayon sa kaniyang harapan. Halatang kinakabahan ang kaniyang secretary. Halos mamutla ang mga mukha nito. “M-Mr. Salvatorri…” mahina nitong tawag. Hindi kaagad sumagot si Keanne. Nakatingin lang siya rito. “I’m really sorry, sir,” mabilis na sabi ng secretary habang bahagyang yumuyuko. “Nagkamali po ako ng

