Eliza's POV KANINA pa ako nakatulala sa harap ng easel. Nakahawak ang kanang kamay ko sa paintbrush habang ang kaliwa naman ay nakasandal sa gilid ng mesa kung saan nakahilera ang mga tube ng pintura. Nakatitig lang ako sa puting canvas. Walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung anong ipipinta ko. Ni isang ideya ay walang pumapasok sa isip ko. Bakit ba ang lungkot ng buhay ko? Nasa akin naman na sana ang lahat pero may kulang pa rin. Isa lang naman sana ang ipinagdasal ko noon bago ako ikasal, ang maging maayos ang pagsasama namin ni Keanne ngunit bakit naman ganito? Kung kailan pa mag-asawa na kami tsaka naman siya naging ganito. Ang hirap ng ganito. Nasanay akong nasa akin lahat ng atensyon niya noong magkasintahan pa lang kami tapos ganito bigla na lang nagbago ang lahat

