6 months later... Nagising si Lorraine na kakaiba ang nararamdaman. May gusto siyang kainin pero hindi niya alam kung ano. "Babe, gising, nagugutom ako." gising ni Lorraine sa asawa. "Baby naman, hating gabi nagugutom ka? Nag-dinner ka naman, ah?" Inaantok pa na wika ni Tyler. "I don't know, may gusto lang ako kainin!" Hindi rin maintindihan ni Lorraine ang sarili kung bakit bigla siyang nagutom. "Ano bang gusto mong kainin?" Pupungas-pungas na bumangon si Tyler. "G–gusto ko ng maasim," wala sa sarili na wika ni Lorraine. "W–what? Baby naman, gabing-gabi tapos gusto mo ng maasim? Sasakit ang tiyan mo n'yan," napakunot ang noo ni Tyler habang nagsasalita. "Samahan mo muna ako sa baba, wala naman kasi ibang laman iyang ref dito sa kuwarto natin kun’di puro fresh milk." Bumangon si