Kahit sigurado na sila na si Lorraine nga ang nawawalang anak ng mga Tan, napagdesisyonan pa rin nilang lahat na magpa-DNA test si Lorraine at ang magulang niya para na rin makasiguro at mawala ang mga alinlangan. After 5 days lumabas na ang result. Lalo naman sila natuwa nang lumabas ang result ng DNA test. "Ma, pa positive po..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Lorraine pagkatapos mabasa ang result. Matapos malaman ang lahat agad na inasikaso nina Tyler at Lorraine ang pagpapakasal sa simbahan. *** Tyler and Lorraine's Wedding day… "Anak, sobrang ganda mo..." Tila naa-amaze na sambit ng ina ni Lorraine. "Mama naman, saan pa ho ba ako magmamana?" nakangiting tugon ni Lorraine. "I'm so happy for you anak... I always thank God dahil nakasama ka namin ulit." "Masayang-masaya rin ako