"Hijo, ibig mo sabihin na sa kanya ang gamit na iyan at siya ang nawawala naming anak?" tanong ng Ama ni Dhanna. "Oho Tito, ayun sa head ng ampunan na si Sister Elizabeth ay si Lorraine ho ang may suot ng mga iyan noong dinala ho siya ng dalawang magbabasura sa bahay ampunan," kalmadong tugon ni Tyler. Napahagulhol naman ang ina ni Dhanna nang marinig iyon. It's been twenty years, dalawampung taon siya nangulila sa anak. Hindi makapaniwala na sa kabila nang lahat ay makikita niya itong muli. Mabilis na tumayo at agad na lumapit kay Lorraine at sinabi, "A–anak... Anak ko... Mahal kong Amelie." Mahigpit na niyakap na ginang si Lorraine habang humahaguhol. Hindi naman alam ni Lorraine kung ano ang magiging reaksyon. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Talaga bang mapagb