Bakas naman ang inis sa mukha ni Lorraine matapos siyang itulak ng mga babae. Isinumpa niya si Tyler sa kanyang puso. Bwisit! Gano’n na ba ka guwapo ang hitsura ni Tyler? Gaano katagal mula ng huling makakita ang mga babaeng ito ng isang guwapong lalaki? Mga atat lang? "Salamat Boss Falcon,” nakangiting pasasalamat ni Tyler. "Anyway, naniniwala ako sa kasabihan na; ‘Always treat others with respect they deserves and make them happy’. At dahil napasaya mo ako, ibalik sa iyo ang pabor. Sana mapasaya kita,” dugtong pa na sabi ni Tyler at bahagyang ikiniling ang ulo sa gawi ni Lorraine. Natigilan si Lorraine habang nakatingin kay Tyler. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi siya bobo o tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin at tingin nito sa kanya. Ibibigay ba ako ni Tyler sa