"Rommel, bakit hindi si Tyler tumuloy sa isang hotel? Bakit niya pinili na dito tumuloy sa villa?" Sa totoo lang, naisip ni Lorraine na kung sa hotel tumuloy si Tyler, siguro hindi na siya nito isinama. Malamig ang ekspresyon ng mukha ni Rommel. Bagaman hindi niya inaasar si Lorraine gaya nina Rocco at Ronald, hindi nangangahulugang hindi niya kinamumuhian ito. "Ang lugar kung saan pag-uusapan ang negosyo ay isang cruise ship, nagkataon na may malapit na property si Third Brother sa pagdadausan kaya dito na siya tumuloy. At isa pa, wala talaga siyang balak mag-stay sa hotel,” malamig na sabi ni Rommel. "Ah. . . Kaya pala,” anang Lorraine na napatango-tango pa. Alam naman niya na hindi siya gusto ni Rommel kaya hindi na siya nangulit o nagtanong pa. Kinuha na lang niya ang mangkok, kutsa