Napangiwi ako nang maramdaman ang bigat ng katawan ko at sakit ng ulo. Nahiirap pa ako na magmulat ng mga mata dahil sa kaantukan. "Gising ka na Mommy? Wait, kuha kita water." "Argh!" ungot ko nang gumalaw ang kama dahil sa pagbaba ni Karissa. "Oops, sorry." lumapit muna siya saakin para alalayan akong tumayo bago lumabas ng kwarto. Sumandal ako sa head rest ng kama at muling pumikit. Paano kami nakauwi kagabi? Anong nangyari sa Party? Ang huli kong natatandaan ay umalis si Karry para magpalit ng damit, tapos uninom ako ng wine na bigay ni— mabilis akong napatayo ng maalala kung sino ang nakasama kong uminom kagabi. "Si Blain... Arggh! Ano ka ba naman Kally! Malalasing ka nalang sa harap pa ng lalaking yun." halos sambunutan ko na ang sarili ko. "Hahaha, Mommy this days you're