[ Kalissa Point of View ] Tinanaw ko ang mga nag iilawang mga palamuti sa Ibaba ng balkonahe, malalim narin ang gabi dahil sa pagkakaliwanag ng buwan. Mabuti at hinila ako rito ni Karissa kanina. "Hays' kailangan kong umayos." naiinis na bulong ko sa sarili ko ng maalala nanaman kung paano ako mawala sa sarili kanina. Nagpadala nanaman ako sa halo-halong nararamdaman ko, sa sobrang saya, lungkot at takot ay hindi ko napansing namumutla na pala ako. Nang makita ko si Karissa na pabalik saakin ay mahigpit ko itong niyakapos ng yakap, na para bang anytime ay may aagaw sakaniya saakin. Hindi ko tinanggap ang alok ni Henry na tulong dahil nakapagdesisyon akong kung magtanong si Blain tungkol kay Karry ay ipagtapat ko na ang lahat. Pero dahil sa mga nangyayari, dahil sa ekspresyong ipinapak