Nandito kami sa sala, pinapanuod ko lang ang mag ama na mag laro ng educational toy na binili ni Blain para sa anak. Pagkatapos kumain kanina ay hindi na humilay si Karissa sa ama, parang habang patagal ng patagal ay mas nagiging Daddy's girl si Karissa. Nailipat ko ang titig kay Blain nang makita nanaman itong tumawa at maglaro ng parang bata, hindi ko lubos maisip na masasaksihan ko ang ganitong sitwasyon ngayon. Buo ang loob ko noon na lumayo kay Blain, ilayo ang anak ko sakaniya dahil ayokong pati ang anak ko maranasan ang sakit na naranasan ko sa piling ni Blain. Pero, si Blain rin ang isa sa dahilan kaya masaya ako at si Karissa kaya paano? Paano ko magagawang muling ilayo si Karissa sa ama niya? Paano ko magagawang lumayo muli kung pati ako, ayaw ng umalis. Kaya nakapagdesisyon