"Mi, where's dad?" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Karry. Narito ako sa labas ng pintuan at inaabangan ang pagdating ni Blain. Itinaas ko ang phone ko paharap sakaniya at alanganin nang ngumiti ng makaramdam na ako ng kaba. "Wala pa, last message niya kanina pang hapon. Mag-eight na ng gabi ang sabi niya' ay maaga siyang makakauwi." punong-puno ng pangambang sambit ko habang nasa cellphone ang tingin. "Contact his bodyguard Mommy; they should know where Dad is," suhestiyon ni Karissa naikina buntong hininga ko. "Pinapakontak ko nga kaso wala ni isa sa mga bantay ng Daddy mo ang makontak nila, ano na kayang nangyari sa lalaking yun?" nanakit ang batok ko sa sobrang pag-aalala kay Blain. Hindi na bago sa amin na makaranas ng trahedya matapos makaranas ng saya k