"Blain?" "Hm?" Magkatabi kaming nakahiga sa sofa, pinagkakasya ang katawan naming dalawa na parehong nagbabawi ng lakas na tila naubos pagkatapos ng mga ginawa namin kanina. "Bakit tahimik ka?" tanong ko. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ako, pero ramdam kong malalim ang iniisip niya dahil mula pa kanina ay nanatili na siyang tahimik. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin mula sa likuran. Isunubsub nito ang mukha sa batok ko bago magsimulang sabihin sakin ang dahilan ng pananahimik niya. "Sinabi kong liligawan kita ulit at paghihirapan kong maging akin ka ulit... but look at me, But then I devoured you like a beast... I hurt you because I was too greedy for claiming you; I thought I'd changed, but the moment I tasted you... I got lost," Aaminin kon